Tuesday, June 5, 2012

BABALA: Tagalog 'to


Gusto kong magsulat. Yung pagsulat na likha ng aking malayang pagi-isip. Yung maituturing na sining. Yung may saysay at may kabuluhan. Hindi yung basta may maisulat lang.
Sana may ganun akong galing. Matalinong taong maituturing ang mga tao na hindi lang basta marunong, kundi magaling na manunulat mapa Ingles o Tagalog man yan. Kaya hanga ako sa mga manunulat sa  dyaryo o sa magazine, o kahit sa mga blog lang nila. Kasi sila, malaya at mahusay na nalilinang ang galing na meron sila. Nakakainggit. Sana'y ako rin ay katulad nila.

Dati, may subject akong Journalism noong naga-aral pa ako. Tamad na tamad ako sa subject na 'yun, siguro kasi naiisip ko na hindi naman iyon ang linyang gusto ko, ayokong magsulat, nakakatamad. Pero habang tumatagal, ginugusto ko na rin 'to. Hanggang sa ngayon na napapaisip akong kumuha ng kursong lilinang sa pagsusulat. Gusto ko! Gustong-gusto ko! Hindi ko lang alam kung hanggang kailan ko gugustuhin at kung hanggang kailan ako magtitiyaga na magpraktis. 

###

No comments:

Post a Comment